Bakit Nga Ba…Umaasa?

Minsan nakakainis na, minsan sumusubra na, bakit nga ba sa kabila ng di mu pagpansin sa nararamdaman ko, sa kabila ng di mu pag reply sa mga messages ko, pag reject sa mga tawag ko, at tuluyan na akong naging who you sayu?

 Bakit nga ba pag active online ka gusto parin kitang imessage, bakit wala parin akong palya sa pagview ng timeline mu kahit restricted na ako. Bakit nga ba patuloy parin akong umaasa na magkakasomething tayu eh halos iunfriend mu nga ako.


Ilang beses ko nang tinangka na iunfollow ka, na iunfriend ka, na kalimutan na kita. Kasi sobrang sakit na. Pero ang hirap, diko kaya. Hindi ko parin maitindihan na sa kabila ng pagwawalang paki alam mu patuloy parin akong nabubuhay sa kasinungalingan na balang araw mapapansin mu ulit ako, magwewave ka sa messenger ko, ilalike mu ulit posts ko sa FB at IG ko. Magrereply ka ulit sa mga “hi” ko. Na mkachat ulit kita ng want to sawa. Sa ngayun, mangangarap nalang muna at patuloy na masasaktan.

Umaasa ako na dumating yung araw na malaman mu halaga ko, at kung gaanu kalaki akong kawalan sayu. Pero sana dumating yung araw na yun, bago pa man ako bumitaw sa pag asa at pangarap na maging tayu.

Bakit nga ba ganito? Tanong ko, di man masagot ang tanong ko na ito. Sa ngayun pipiliin kong maghintay at umasa hanggang sa panahon na pansinin mu ulit ako o di kaya sa panahon na bumitaw na ako.

Sa ngayun nandito lang ako sa friends list mu, mananatiling assumera. Pipilitin ko parin maging masaya sa kabila ng katutuhan ng hanggang IG at FB nalang tayung maging magkaibigan at pwedeng magkakitaan. Subukan kong mahalin muna ang sarili ko habang naghihintay. Sa ngayun ito lang ang tanging tama na pwede kong magawa para sayu at sa sarili ko.

Hanggang sa muli dati kong mahal na kaibigan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s